Mga bossing, my parents gave me my Lancer EX MX last January 2011 as a birthday gift, graduation and board exam gift, kung baga 3 in 1.
Syempre as a noob/newbie when it comes to tsikots, I read many reviews ng iba't ibang oto then I fell into Lancer EX MX, kasi masnaisip ko noon ang PORMA than PMS, Insurance and Fuel, na akala ko ihahandle ng parents ko hangang matapos at mafully paid ang kinuha namin na EX.
So sa tumagal-tagal, ako na ang nagbabayad for fuel then they are planning na ako na din sa insurance for next year. So napapaisip na ako and napapamura sa sarili ko. I'm only a registered nurse and contractual staff nurse sa isang hospital which is mababa lang ang monthly salary, with no benefits pa yun. I cannot handle that anymore if they would let me pay for the insurance.
Hindi ko pa bino-brought up itong matter na ito sa kanila, siguro I need more reasons kung bakit ilelet go ko na yung Lancer EX ko, then bili na lang ng oto na used but not abused at yung kaya ko ang fuel, insurance and maintenance in the long run.
It's hard for me to think na bibitawan ko na ang EX ko, nalagyan ko na ng bodykits then napapaisip pa din ako dahil sa sobrang lupet ng porma, performance at power nito, pero ganun talaga, money matters.
Medyo napupunta na kasi ang gastusin ng parents ko sa monthly ng EX ko, so I am deciding kung ileletgo ko then bili ng used or ipagpapatuloy ko pa ba kahit sa long run eh ako naman ang gagastos para dito.
Help naman mga boss, give me your opinions or mga reasons na pwede kong ipaliwanag sa parents ko kung bakit bibitawan ko na ang EX.
And last na tanong ko mga boss, possible ba na ibenta yung EX tapos itutuloy na lang nung makakabili yung monthly? Paano yung terms nun? Or sa casa na lang namin ibenta or isurrender?