And may I ask sir kung bakit maingay ang engine ng Montero Sport as compared sa ibang CRDI engines? Yung neighbor namin na MS mas maingay pa ang engine as compared sa old-engined Starex namin...
You probably mean maingay ang idle?
Meron silent (balancer) shaft yang engine ng Montero so it should be running smoothly at high rpm. Pero whistle ng turbo naman ang nag-iingay at higher rpm.
Maingay talaga ang idle ng diesel engine na tuned for high power @ high rpm. Mostly nasa advance side ang timing ng fuel injection at medyo malaki ang butas ng nozzle ng injector na ginagamit.
Kung medyo advance ang timing ng fuel injection mas malakas ang makina @ higher rpm kasi ang main injection ay nakukumpleto bago pa man lumayo ang piston sa Top Dead Center.
Ganun din kung medyo malaki ang butas ng nozzle ng injector, mas mabilis ma inject (unload) ang fuel at nakukumpleto ang main injection bago pa man lumayo ng husto ang piston sa Top Dead Center
Yun nga lang, magkakaproblema talaga pagdating sa noise kung naka-idle ang makina. Lalo na kung hindi kagandahan quality ng fuel.
Kung maganda ang quality ng fuel, maiksi lang ang ignition delay at DAPAT, ignited na ang fuel sa unang buga pa lang ng injector.
Ang ideal combustion kasi ay habang may sumisirit pa na diesel sa nozzle ng injector, dapat ay nagliliyab na ang dulo ng stream ng fuel.
Kung familiar kayo sa flame thrower na gamit sa WWII ganun dapat ang concept (mas marami lang na fuel na gamit sa flame thrower kaya mausok... heheh) ng ideal na ignition at combustion. Combustion means "pagkasunog".
Kung di maganda ang quality ng fuel, almost patapos na ang injection di pa rin nagliliyab ang fuel kaya nagiging saturated na ng vaporized na fuel ang chamber.
Sa dami ng fuel vapor/atomized fuel, nagkakaroon ng explosion sa loob ng chamber the moment na mag-autoignite ang vapor. Explosion means "pagsabog" ang kailangan sa loob ng chamber ay "pagkasunog" lang. Kung may ignition delay, meron explosion, ang explosion ay maingay. eto rin ang madalas kung tawagin ay "fuel knock"