th images menu user export search eye clock list list2 arrow-left untitled twitter facebook googleplus instagram pinterest cross photos plus triangle-down triangle-up

Top Gear Philippines

President Noynoy Aquino

Yesterday, January 8, President Noynoy Aquino attended the inauguration of the Metropolitan Manila Development Authority's new command and control center. Yes, that ship-looking thing in Guadalupe that's impossible to miss if you're driving northbound on EDSA. This is, according to the President, just the P295-million first phase of a three-phase project. This includes, among other things, 25 new fiber-optic, high-definition Pan-Tilt-Zoom surveillance cameras and 36 45-inch video screens "to monitor activities via the approximately 150 CCTV and IP cameras currently installed all over Metro Manila."

The President then proceeded to declaim the praises of MMDA chairman Francis Tolentino. (What's up with the verbal love fest?)

Anyway, what intrigued us was how PNoy voiced out his disapproval of power-tripping on the road, especially since Metro Manila mayors were in the audience. Check out these sound bites:

* Kahit may pribilehiyo po tayong maging prayoridad sa daan, pinipili ko pa ring hindi gumamit ng wang-wang. Alam kong hindi lang pansariling oras ang mahalaga, kaya nagbibigay-daan tayo at nirerespeto ang oras ng iba...Alam po ninyo, wala pa rin pong lisensya ang sinuman na pairalin ang utak wang-wang, at maghari-harian sa daan.

* Sana naman ay magkaroon tayo ng disiplina sa daan. Kahit pa minsan, natutukso tayo--dahil na rin siguro sa init ng ulo o sa inip sa kalsada--huwag sana natin itong gawing dahilan upang baluktutin ang batas, o lusutan ang sistema. Para rin naman ito sa kapakanan ng bawat isa sa atin, 'di po ba? Kaya de-kotse ka man, de-motor, o tumatawid lang sa pedestrian lane--sumunod nawa tayong lahat sa mga patakaran. Huwag na nating hayaang mahuli pa tayo ng opisyal o ng camera, at humarap sa parusa, bago matutong sumunod sa batas at sistema.

For those who don't speak Filipino, this is what the President said:

* Even if I have the privilege of being the priority on the road, I still choose not to use sirens. I know that it's not only my personal time that's important, so I give way to others and respect their time...You know, nobody has the license to have a wang-wang (siren) mentality and act like the king of the road.

* Let's all have discipline on the road. Even if we are sometimes tempted--perhaps due to a hot temper or sheer boredom on the road--let's not use it as a reason to bend the rules or go around the system. This is for everyone's benefit anyway, isn't it? So, whether you drive a car or ride a motorbike or walk on the pedestrian lane--let's all follow the rules. Let's not wait to be caught by a traffic officer or by a camera, and face punishment, before we learn to obey the law and the system."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Well, we don't know about you, but we think these words were put together for public officials, who are the most abusive road users in this country. Now, whether the Metro Manila mayors will take PNoy's advice seriously, remains to be seen.

For the full text of the President's speech, please scroll down (we hope you understand Filipino really well).

Photo from Malacañang Photo Bureau

 

Talumpati ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Sa paglulunsad ng MMDA Command and Control Center
at ng bagong MMDA traffic signal system
Lungsod ng Makati, ika-8 ng Enero 2013

Magandang hapon po. Maupo po tayong lahat.

Chairman Francis Tolentino, Secretary Mario Montejo, Secretary Sonny Coloma, Congresswoman Sol Aragones, Congressman Bolet Banal, Congressman Winnie Castelo, Congressman Abet Garcia, Mayor Junjun Binay, Mayor Len Len Oreta, Mayor Tony Calixto, Mayor Jimmy Fresnedi, Mayor Joey Medina, Mayor Guia Gomez, Mayor Herbert Bautista, Mayor Maribel Eusebio, Governor Ed Chatto, Police Director-General Alan Purisima, private partners of the Metro Manila Development Authority, fellow workers in government, honored guests, mga minamahal ko pong kababayan, magandang araw po muli sa inyong lahat.

Siyempre, pagkarating ko dito, sabi ko "Francis, saan nanggaling itong building na 'to?" Savings raw ho pala. Mukhang masinop ang ating Chairman.

Alam po ng marami sa atin ang kasaysayan ng jeepney. Mula sa surplus ng Amerikano noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginawa itong pampasaherong sasakyan ng mga Pilipino. Dinaig niya si Dracula--dahil ilang pagkamatay at pagkabuhay na ang dinaanan ng mga sasakyang ito, at hanggang sa ngayon po, palagay ko po'y may makikita pa tayo na pumapasada na brand-new po nung si MacArthur pa yung dumarating sa Pilipinas.

Hindi rin po maikakaila sa ating mga Pilipino: Kapag nagkaroon ka ng sariling kotse, talagang buong-sikap mo itong aalagaan. Dahil hindi naman mura ang presyo ng sasakyan, gagawa ka ng paraan para pahabain nang pahabain ang buhay po nito.

Ito nga lang po ang nabuo nitong problema ngayon: Dahil dumadagsa ang mga bagong sasakyan, at ang mga luma naman ay hindi nagreretiro, parami nang parami ang mga behikulong pumupuno sa ating mga kalsada. Nitong 2013, umabot na sa mahigit dalawang milyon ang rehistradong sasakyan sa National Capital Region. Ang resulta: matinding traffic. Hindi lang po sakit sa ulo sa mga biyahero ang dulot nito--apektado rin ang ating ekonomiya dahil sa sinasayang nitong oras, pera, gasolina, at pagkakataong maging produktibo, na umaabot sa halagang halos dalawa't kalahating bilyong piso kada araw, ayon po sa NEDA. Alam po ninyo, iyong two million na sasakyan out of 7.6 million total registered vehicles sa Pilipinas--so roughly around 26%, close to 30%, of all vehicles in the Philippines--are plying the NCR’s roads. Ang kasaganahang dapat sana'y atin nang nakakamit, ay tila naiipit din sa gitna ng traffic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula't sapul pa lang po ay katuwang na natin ang MMDA sa paghahanap ng solusyon upang maibsan ang traffic sa Kamaynilaan. Iba't ibang usapin at konsepto na po ang umusbong. Ang isa po rito: dagdagan natin ang mga kalsada--puwede nga hong elevated na gaya ng mga flyover, o sunken na tulad ng mga underpass. Ang sabi ko po, puwede nga naman nitong mapaluwag ang trapiko. Iyon nga lang, dahil sa lumalago nating ekonomiya, dadami rin ang mga sasakyan, at mahihirapang sabayan ng paggawa ng mga bagong kalsada.

Sa totoo lang po, para doon sa SLEX-NLEX connector, ay binili ulit ng gobyerno iyong tinatawag na air rights ng PNR na ibinenta na dati. Bakit ho natin binili ang air rights? Dahil lalagyan po ng elevated portion iyong kalsada. Eh, kung hindi tayo in possession of these air rights, hindi natin puwedeng lagyan. So mayroon ka nang upgrade na itinatawag: iyong ground level, may under, may over--eh, baka wala na ho tayong mapaglagyan kung magiging flyover upon flyover upon flyover. Baka mahilo na ho, at baka kailangan na ng oxygen ng ating mga naglalakbay na kababayan. Hindi po natin puwedeng paabutin ang patong-patong, o pailalim nang pailalim, dahil 'yung basement parking baka may limitasyon rin po 'yan.

May isa pa pong kaisipan: hangga't walang maaasahang public rapid transport system na ipatatayo o palalawakin na magsisilbing alternatibo sa pribadong behikulo--tulad ng atin pong LRT Line 1 South Extension, LRT Line 2 East Extension, at MRT Line 7--ay pupunuin at pupunuin lang din ng mga sasakyan ang mga daan dahil wala nga pong alternatibo. Ang kailangan naman nating isaalang-alang dito: ang gabundok na gastos, at tagal ng panahon bago ito magawa at mapakinabangan.

Patuloy po nating pinag-aaralan ang mga hakbang na magpapaginhawa sa daloy ng trapiko, lalo na po sa Kamaynilaan, kasabay ng mga inisyatibang ating isinasakatuparan. Tignan po natin ang Metro Manila Integrated Transport System. Para hindi na makipagsiksikan ang provincial buses sa EDSA, magkakaroon tayo ng mga terminal sa mga bungad ng Metro Manila. Panalo po ang lahat dito--layunin nitong paluwagin ang traffic sa Kamaynilaan, at pabilisin at gawing mas ligtas ang biyahe ng mga bus. Bukod pa ito sa mga inisyatibang katuwang ang iba pang mga ahensya tulad ng Uniform Ticketing System, Truck Ban, flood control, rerouting at road reblocking. Kung iisa-isahin pa po natin ang listahan ng mga nagawa ni Chairman Tolentino, baka senyasan na rin po tayo niya at sabihing, "Tama na po." At alam na nating lahat ang mga nagawa ni Chairman, sampu ng ating Metro Manila Council at iba pang katuwang na ahensya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtitipon po tayo ngayong hapon upang ilunsad ang isa pang inisyatiba upang tugunan ang hamon ng traffic sa Kamaynilaan: Ang New Traffic Signalization System, na magkakaroon ng tahanan sa isang--napapansin naman po ninyo--makabagong Command and Control Center. Parang first time ako nakapasok ng MMDA facility na bago. Lalo pag tinignan natin yung mga pumping station. Alam po ninyo, nung dinalaw natin yung pumping station, parating tinitignan ko, sabi ko, "Ito kayang mga gumawa nung mga pump na 'to ay nakatayo pa ang mga kumpanya, o talagang tayo lang sa Pilipinas ang magaling at masinop talagang mag-alaga ng gamit?" Matagal nang nawala iyong kumpanyang gumawa at tumatakbo pa rin 'yung makinarya. Anyway po, Phase 1 pa lang po ito na nagkakahalaga ng mahigit P295 million. Masusi po nating inilatag ang mga susunod pang hakbang na kukumpleto sa proyekto; kung saan target nating matapos ang pinakadulo: Phase 3 sa taong 2016.

Baka po may magtatanong: Bakit ba natin kailangang baguhin ang lumang sistema sa pamamahala ng trapiko?

Alam po ninyo, nasa 14 na taon na po ang sistemang pangkomunikasyong ginagamit ng pamahalaan para sa signalized intersections sa Metro Manila. Kaya naman, marami sa mga kagamitan nito--tulad ng mga computer para sa tinatayang 424 intersections--ay nasagad na ang gamit, at kinakailangan nang palitan para maging kapaki-pakinabang. Hindi pa kasama rito ang palyado nang traffic lights at loop detectors, na sa halip na maging instrumento ng kaayusan at kaligtasan, ay nagiging sanhi pa ng kapahamakan kung minsan. 'Yung digitization na binabanggit, marami po tayong  equipment na analog na hindi na raw ma-accommodate ng ating TELCOS.

May mga paunang hakbang na tayong naisagawa, tulad ng ilang traffic lights na may countdown timer na ngayon at inaasahan nating madadagdagan pa. Hatid nito ang impormasyon, at ngayon sa ilang lokasyon ay kalkulado na ang bawat segundo bago muling gumalaw ang trapiko, o kung kailangan mo nang huminto. Ang resulta: Mas epektibong sistema. Ilang ulo na kaya ang napalamig nito sa daan? Ilang aksidente na kaya ang ating napigilan?

Kasabay po ng pagpapabuti natin sa mga mekanismong direktang gumagabay sa mga motorista, tinututukan din natin ang mas malaking sistemang kokontrol sa lahat ng mga ito. Ang makabagong Command and Control Center pong ito ang magsisilbing utak sa pagmonitor at pagkilos ng MMDA sa masusing pangangasiwa ng sitwasyong pang-trapiko, at magiging pang-kalamidad at pampublikong seguridad. Bukod sa mas mabilis na teknolohiyang pangkomunikasyon nito, kaya nitong pangasiwaan ang mahigit sa 400 na intersection sa Kamaynilaan. Kabilang sa mga kagamitang kaakibat nito ay ang upgrading ng traffic signal facilities sa 85 na prayoridad nating intersections, kasama na ang installation ng 25 high-definition CCTV cameras sa mga stratehikong lokasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bibilis at mas magiging tiyak na po ang ating pagresponde sa kalye. Halimbawa: Kung nakita sa CCTV camera na puno ng sasakyan sa isang kalsada, at maluwag naman sa kabila, maaaring kontrolin mula sa Command and Control Center ang tagal o bilis ng pag-ilaw ng green at red lights sa mga intersection, upang mapaluwag ang mga daan dahil magiging mas efficient ang pagdaloy ng trapiko.

Sa madaling salita: Makakatulong ang bagong sistemang ito sa MMDA upang mas mabilis at mas angkop na makapagbigay-aksyon tungo sa mas maaliwalas na daloy ng trapiko sa lansangan. At hindi lamang nito mapapaginhawa ang biyahe't kalakal sa Kamaynilaan--mapapaigting din nito ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan.

Naniniwala pa rin po tayo: Sa mga komplikadong problemang tulad ng traffic sa Metro Manila, ang pinakamainam na solusyon ay dapat nakaayon ang pondo, kakayahan at panahon na mayroon tayo. Sa pagtugon sa traffic, ang kailangan natin ay isang epektibong sistema kung saan mas magiging proactive po tayo, kaysa reactive lamang.

Sa isyu pa lamang ng traffic, nagkaka-ideya na tayo sa hirap ng trabaho ng MMDA, at sa kung papaano sila nagsisikap upang makapaghatid ng pagbabago sa Metro Manila. Ang malungkot nga lang po: Kapag nagkakaroon ng traffic, agad na buntunan ng sisi ang MMDA.

Buti na lang po't may taga-timon ang MMDA--uulitin natin--tulad ni Chairman Francis Tolentino, na kayang-kaya po ang mga problemang ito: Kita naman po niyo, itim pa ang buhok, malago pa. Sa kabila ng kanyang dambuhalang responsibilidad at kabit-kabit na tungkulin, kailanman ay hindi siya nagpatinag sa anumang hamon sa ahensya. Lagi siyang kargado ng pasensya, at parang laging naka-full tank sa sigasig at enerhiyang makapaghatid ng serbisyo sa kanyang kapwa at bandila.

'Di po ba't sa panahon ng kalamidad, kahit pa sa labas ng Maynila, ay nasasaksihan din natin ang wagas na serbisyo ng mga taga-MMDA? Noong bagyong tulad ng Pablo at Sendong, isa sila sa mga nakibalikat para makalap ang mga katawan ng nasawi sa trahedya. Miski wala po iyan sa job description ng MMDA o ni Chairman Tolentino, buong-pagkukusa pa rin nila itong ginawa para maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan--at pasasalamatan ko na rin po ang Metro Manila Council sa pag-aadopt nyo ng ating mga kababayan at mga bayan at lungsod na nasalanta ni Yolanda.

Sa kabila ng kanilang paglilingkod, may mga naririnig pa rin tayong insidente kung saan napapagbantaan o napapahamak ang ilang kawani ng MMDA. Ngayon na po siguro ang panahon at pagkakataon upang muli nating iangat ang kultura ng pagkakilala at pagtanaw ng utang na loob. Kaya naman, kay Chairman Francis Tolentino at sa buong puwersa ng MMDA, ako na po ang magpapaabot sa inyo, mula sa sambayanang Pilipino: Maraming, maraming salamat po sa inyong serbisyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga kababayan naman natin, ipapaalala ko lang din po: Nata-traffic din ako. Kahit pa may estimated time kada biyahe, naglalagay pa rin ako ng allowance, dahil sumusunod tayo sa batas-trapiko, at umaayon din sa kondisyon ng kalsada. Tulad ninyo, ang ibig-sabihin din po sa akin ng green ay "go," at ang red ay "stop" at hindi "go faster."

Kahit may pribilehiyo po tayong maging prayoridad sa daan, pinipili ko pa ring hindi gumamit ng wang-wang. Alam kong hindi lang pansariling oras ang mahalaga, kaya nagbibigay-daan tayo at nirerespeto ang oras ng iba. Pero hindi po ibig-sabihin niyan na ipinapasa na natin ang pribilehiyong ito sa iba. Kasi, alam po ninyo, wala pa rin pong lisensya ang sinuman na pairalin ang utak wang-wang, at maghari-harian sa daan.

Ang pakiusap ko po sa ating mga kababayan: sana naman ay magkaroon tayo ng disiplina sa daan. Kahit pa minsan, natutukso tayo--dahil na rin siguro sa init ng ulo o sa inip sa kalsada--huwag sana natin itong gawing dahilan upang baluktutin ang batas, o lusutan ang sistema. Para rin naman ito sa kapakanan ng bawat isa sa atin, 'di po ba? Kaya de-kotse ka man, de-motor, o tumatawid lang sa pedestrian lane--sumunod nawa tayong lahat sa mga patakaran. Huwag na nating hayaang mahuli pa tayo ng opisyal o ng camera, at humarap sa parusa, bago matutong sumunod sa batas at sistema.

Alam po ninyo, madalas--hindi naman po ganon kadalas, pero marami na ring pagkakataon--kami po'y naghihintay ng pagpapalit ng ilaw: pula, e di nakahinto kami. Nung go na ho kami, ayaw po huminto nung aming katapat sa intersection. At may mga araw na sabi kong kailangan yata na ako na rin ang manghuhuli dito, dahil head naman tayo of the Executive Department. So, iyon po ang ibig kong sabihin pag sinabing hindi po natin pinapasa yung pribilehiyo natin. Sana po kung kaya natin sumunod, lahat naman po tayo dapat sumunod.

Gaya nga po ng sabi ko, nasa last two minutes na tayo ng ating paglalakbay upang marating ang malawakang transpormasyon ng lipunan. Ngayon pa lang, naipakita na natin na kaya ng Pilipinong lampasan ang mga dambuhalang pagsubok, at nararating na rin natin ang mga hangaring noon ay inakala nating imposible. Tara na po at sulitin ang pagkakataong ito. Isang bansa nating iarangkada ang Pilipinas--mula sa daang matuwid, diretso sa daang maaliwalas, sagana at maunlad.

Magandang hapon po. Maraming salamat sa inyong lahat.

View More Stories About
Metropolitan Manila Development Authority MMDA traffic management
Sign up for EXCLUSIVE AUTOMOTIVE UPDATES!
Subscribe To Our Newsletter
Latest stories
Close

Forgot your password or email?
Reset your password or look up your email
If you need further assistance, email us athelp@topgear.com.ph