Have you seen ghosts floating over fields by the highway? Or had uninvited passengers appearing and disappearing inside your car? Even if you don’t have your own ghost story to tell, we’re sure you’ve heard some from your family and friends.
These stories give you the spooks when you remember them as you’re driving alone. On a dark, empty road. At midnight. Making your hair stand on end...
Just to get into the, uh, spirit of things this Halloween and All Souls’ Day, we asked you on Facebook about any paranormal encounters you’ve had on the road—and you guys delivered. You know you don’t need to read these tales. But you can, just because you’re curious or you need a little scare. Or maybe you need some validation that you’re not really alone...even when you think you are.
John Bernard Toledo Argana: “I had one on Giraffe Street in Green Meadows. Before, madilim talaga dun, ’di ganun kaliwanag ang ilaw sa poste. It was 2am and I decided to take Green Meadows then Giraffe to get to EDSA since Ortigas was full of trucks. I saw a woman standing sa kanto ng Giraffe. I ignored her, which was my greatest mistake. After a few seconds, she was sitting right next to me. Staring at me. Giraffe Street is like 300 meters, but with her, it felt like 5km. I was praying and praying while she was staring at me. Then after ko dumating sa Temple Drive, I didn’t know why but I was in tears. Not crying, pero naluha ako sa takot, haha. Since that day, ’di na ako dumadaan sa Giraffe at 2am. That's a golden rule for me na as a graveyard shift Grab driver.”
Dindo Exiomo Pauwi: “Ako nun galing sa site namin sa Orion, Bataan, mga 11pm na ng gabi. Mag-isa lang ako noon, then tumugtog yung music na lagi naming kinakanta ng namatay kong kuya. Nagbiro ako, sabi ko, ‘Tol, kung totoong andiyan ka lang lagi, magparamdam ka nga.’ Ora mismo may gumalaw sa likod ng upuan ko galing taas pababa—yung feeling mo sinipa o natuhod ng passenger. Nagsisigaw ako sa SCTEX na naiiyak. Love you, Kuya Dick. Siya nagturo sa akin mag-drive ng bike, motor, at kotse. Mwahhh...love you, tol.”
Jed Parohinog: “I was at driving around 100kph to 120kph, past 12 midnight, on Daang Hari. Then suddenly, I saw a glowing lady wearing a white dress and staring at me. From that moment, I set my speed limit to 60kph at night. Drive safe, everyone.”
Ian Christian Martin Aguinaldo: “It was 6am and I had just left home. Upon turning right to the main highway, when I looked over to my left side mirror, a white lady’s face appeared with her hair blocking her face. When I looked again, wala na. I thought sa gabi lang nagpapakita mga white lady, but nakakita ako during daylight. When I told my husband (he has a ‘third eye’) about this incident, he said that he also sees the white lady in that area, always standing at the waiting shed. Shookt!”
Don Henry Bañaga Bolo: “Middle of the road, late night. A thin, tall guy in his late teens wearing black pants and a dark-gray shirt with long sleeves was standing absolutely stiff and motionless. As I got nearer, his image slowly faded away in place, like a masked overlay in Photoshop. But this was really happening. I’m thinking that the area might be the very spot where he got killed. And those were the clothes he wore as he lay in his coffin.”
Cynthia Ednilao On: “On our way back to Manila from Ilocos Norte, sa parte ng Damortis, La Union, sa pakurba-kurbang parte doon, may babaeng nakaputi na tumalon sa harap ng sasakyan namin. Parang gusto niya kaming disgrasyahin. Buti ako lang ang nakakakita at hindi yung asawa ko na nagmamaneho.”
Noel Mate: “After ko maihatid huling barkada ko, he texted me na may nakikita siyang babaeng nakaupo sa backseat. Buti na lang nasa bahay na ko at hindi na nag da-drive.”
Hilarion Alimbuyuguen: “Papunta ako ng, Manila mga 12pm. Malayo-layo ang distansya ng mga sasakyan sa NLEX. Nakita ko yung white lady na naka-float sa gilid ng daan at yung gown niya parang nililipad ng hangin, hindi sumasayad ang mga paa niya sa lupa. From 120kph, menor ako to 60kph—baka biglang tumawid at madisgrasya ako. This was after the viaduct.”
Jeldjeann Seno: “Nung nasa Camiguin kami with my family, past 10pm, naghahanap kami ng masahista. May nakita kami sa resort. Pinasakay namin. Nung pabalik na kami ng hotel, napunta kami sa hindi sementadong daan. Wrong way ako. It was pitch-dark sa labas, wala ni isang bahay sa paligid. Kailangan ko bumalik sa dating way, so nag-reverse ako. Then biglang may pumukpok sa likod ng sasakyan, tipong nagsi-signal na tama na ang atras. Narinig namin ng sister ko, ang lakas ng pagpukpok. I asked yung masahista kung may narinig siya. Wala raw. Waaaaah. We checked sa likod ng car pagdating sa hotel—may bakas ng kamay. Sobrang nakakatakot talaga.”
Jake Alvarez: “Tagaytay, galing kami sa isang cafe. Sa parking lot, sa likod ng CR-V ni boss, may malaking puno ng mangga. Nilagay ko na mga gamit namin kasi paalis na kami. Drive si boss, ako sa shotgun. Palabas na kami ng gate, may dumaan sa harap ng CR-V, nakayuko siya. Kitang-kita namin. Lakas ng brake. Nung pagtingin ni boss sa side mirror, andun sa likod ng CR-V, babaeng mahaba ang buhok at tunaw yung mukha. Sigawan yung dalawang kasama namin sa likod. Harurot si boss habang halos nakayakap na sa manibela. Sabi ko, ‘Sir, relax, baka gusto lang niyan maaksidente tayo.’ Tapos nahismasan si boss. Nagpatugtog ng malakas tapos hanap muna kami ng lugar na maliwanag na matatambayan, saka kami bumalik sa Taal Vista.”
Daryll Olermo: “February 27, 2018, banda sa Greenwoods, Pasig. Sa may Highway 2000, 2:45am. Naligaw ako noon, nag-iba ang daan hanggang sa nagsimula na akong matakot dahil wala nang streetlight, ilaw na lang ng sasakyan ko ang nagpapailaw sa kalsada hanggang sa maya-maya dead end na. Hinahanap ko pabalik, hindi ako makabalik-balik—paulit-ulit lang ang dinadaanan ko. Taas-balihibo na ako at nanghihina sa takot. Binibilisan ko na ang takbo ng sasakyan ko hanggang sa biglang lumamig ang balikat ko at may bigla na lang tumawid sa harapan ng sasakyan ko na isang white lady, walang mukha. Then after nun, maya-maya nakita ko din na may streetlight na sa daan kaya sinundan ko at nakalabas din ako sa daanan na yun at nakauwi na ako. Hanggang ngayon, traumatized pa din ako pag naiisip ko yung pangyayari na yun.”
Ray Tarol: “Nasa secondhand na L300 Versa van ako noon. Pagtingin ko sa rearview mirror, may nakita akong matandang lalaki na naka-sumbrero at medyo formal pa ang suot, nakaupo sa dulo, sa likod ng van sa right-side corner. Huminto ako at nilingon ko, pero nawala siya. Kinilabutan ako pero tumuloy pa din ako mag-drive pauwi. Kinabukasan, nung maliwanag na, nag-imbestiga ako sa sasakyan kung may history or indication ng bangga or aksidente. Ayun, meron akong nakita na welding at body repair sa pang-ilalim at loob ng sidings sa mismong kanto kung saan ko nakita yung matanda na multo. Siguro yun ang sakay nung first owner at baka namatay sa aksidente. Binenta ko na lang yung van after ilang months para di na ulit maulit yung experience na yun.”