th images menu user export search eye clock list list2 arrow-left untitled twitter facebook googleplus instagram pinterest cross photos plus triangle-down triangle-up

Top Gear Philippines

Robert Blair Carabuena

Robert Blair Carabuena, the motorist who was caught on video bullying MMDA enforcer Saturnino Fabros on August 11, went to the headquarters of the Metropolitan Manila Development Authority this morning to personally deliver his apology to Fabros and the agency.

Below is the full transcript of the apology, which Carabuena delivered in Filipino:

Magandang umaga po sa ating Tagapangulo ng MMDA, Kagalang-galang na Atty. Francis Tolentino; magandang umaga rin po kay Mang Saturnino "Sonny" Fabros, bagama't di ko po siya nakikita ngayon; magandang umaga po sa inyong lahat!

Ako po si Robert Blair Carabuena, na kusang pumarito sa tanggapan ng MMDA upang personal na humingi ng tawad at paumanhin kay Ginoong Saturnino Fabros, sa kanyang mga anak, sa inyo po Kagalang-galang na Chairman--bilang kumakatawan ng MMDA sa inyong pamumuno--at sa lahat ng mga traffic enforcers ng MMDA sa nangyari noong ika-11 ng Agosto.

Di na po lingid sa karamihan ang aking ipinakitang di kagandahang-asal noong ika-11 ng Agosto.

Sa iyo, Mang Sonny, at sa inyong anim na anak, ako po ay humihingi ng inyong kapatawaran.

Itong mga nakaraang araw mula noong ika-11 ng Agosto, marami pong mga haka-haka na ako raw po ay nagtatago at baka raw tatakas.

Gusto ko pong ipabatid sa inyong lahat na di po ako nagtago at di ko po tatakasan itong aking hinaharap ngayon. Kaya po ako nandito ngayon sa tanggapan ng MMDA at humaharap sa ating Kagalang-galang na Chairman Tolentino ay para humingi ng kapatawaran at paumanhin sa aking inasal.

Nitong nakaraang linggo, naramdaman ko po ang galit ng publiko sa aking inasal. Simula nang lumabas ang "video" sa media at sa "social media," minabuti ko pong manatili muna sa aming tahanan. Kinailangan kong humingi ng payo sa aking pamilya at mga kaibigan, gayon na rin sa aking mga abogado.

Napag-alaman ko rin po na si Kagalang-galang Chairman Tolentino ay naghain ng reklamo sa LTO na ang aking lisensiya sa pagmamaneho ay kanselahin. Sa usaping ito, ako po ay nakikiusap kay Chairman Tolentino na pahintulutang umusad ang proseso ng pagkansela ng aking lisensiya. At habang ang prosesong ito ay umuusad, ako po ay nakikiusap na ako po ay payagan na tuluyang makapagmaneho sa dahilan na ito ay aking kailangan sa paghahanapbuhay.

Bilang pangwakas, nais ko pong muling humingi ng tawad at paumanhin kay Mang Sonny, sa ating Tagapangulo ng MMDA Francis Tolentino, sa buong kagawaran ng MMDA, sa aking pamilya, mga kaibigan, at sa publiko. Kung mayroon man akong hihilingin sa puntong ito, ako po sana'y mabigyan ng pangalawang pagkakataon, at personal na makahingi ng paumanhin kay Mang Sonny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maraming salamat po.

According to reports, after delivering his apology at the MMDA office, Carabuena proceeded to the QC court where the complaint against him had been filed. He was reportedly brought to the hospital after several people threw objects at him upon seeing him.

The MMDA, on its Twitter account, quoted Chairman Tolentino as issuing the following statement: "Tuloy ang kaso. Violation of the law is an affront against the state and the people. There is a judicial system which takes care of ruptured relations between the citizen and the state."

View More Stories About
Robert Blair Carabuena Metropolitan Manila Development Authority MMDA road rage
Sign up for EXCLUSIVE AUTOMOTIVE UPDATES!
Subscribe To Our Newsletter
Latest stories
Close

Forgot your password or email?
Reset your password or look up your email
If you need further assistance, email us at help@topgear.com.ph